20 Kapag binato mo ang mga ibon, sila'y magliliparan;kapag hinamak mo ang iyong kaibigan, lalayuan ka niya.
21 Kung napagbunutan mo man ng patalim ang iyong kaibigan,huwag kang mawalan ng pag-asa; maaari pa kayong magkasundo.
22 Kung nakagalitan mo man ang iyong kaibigan,huwag kang mag-alala; maaari pa kayong magkasundo.Ngunit kapag siya'y iyong hinamak, inalimura, o sinaksak nang patalikod, kapag isiniwalat mo ang kanyang mga lihim,sa ganitong pagkakataon, walang kaibigang mananatili sa iyo.
23 Kaibiganin mo ang isang tao habang siya'y maralita,at makakasalo ka niya kapag siya'y sumagana.Huwag mo siyang pababayaan sa panahon ng kagipitan,at hindi ka niya makakalimutan kapag kinamtan niya ang kanyang mana.
24 Kasunod ng usok ang pagliyab ng apoy.Gayundin naman, ang pang-iinsulto ay nauuwi sa patayan.
25 Hindi ako mahihiyang tumangkilik sa kaibigan,hindi ko siya pagtataguan kung siya'y nangangailangan.
26 At sakaling dahil sa kanya'y mapahamak ang buhay ko,siya ang iiwasan ng sinumang makaalam.