1 Panginoon, aking Ama, kayo po ang may hawak ng aking buhay;huwag ninyo akong pabayaan sa kanilang binabalak,at nang dahil dito'y mapahamak ako.
2 Panginoon, bigyan po ninyo ako ng Karunungan,upang mapigil ko ang aking pag-iisip at maituwid ko ang aking mga hangarin.Huwag ko nawang makaligtaan ang aking mga kamalian;huwag ko nawang palampasin ang aking mga kasalanan.
3 Sa gayon, hindi na darami ang aking mga pagkakamali,at hindi na madaragdagan ang aking mga pagkakasala.Hindi na ako mahuhulog sa kamay ng aking mga kaaway,at hindi na nila pagtatawanan ang kawawa kong kalagayan.
4 Panginoon, aking Ama, Diyos ng aking buhay,huwag po ninyong ipahintulot na ako'y maging palalo sa pagtingin.
5 Ilayo po ninyo ako sa masasamang hilig.
6 Huwag ninyong ipahintulot na pagharian ako ng kabuktutan at kahalayanat alipinin ng mga kahiya-hiyang pagnanasa.