10 Hindi maaaring hindi magkaroon ng latayang aliping palaging hinahagupit.Gayundin naman, hindi maaaring hindi magkasalaang taong laging nanunumpa at bumabanggit sa pangalan ng Diyos.
11 Dumarami ang ipinagkakasala ng taong laging nanunumpa,kaya't ang kanyang sambahayan ay hindi na hinihiwalayan ng sakuna.Kapag di niya tinupad ang sinumpaan, ito'y kasalanan;kapag ipinagwalang-bahala niya ang sinumpaan, ito'y dobleng kasalanan.At kapag siya'y nanumpa nang hindi naman kinakailangan, kasalanan pa rin.Kaya't sapin-sapin ang kapahamakang dumarating sa kanyang sambahayan.
12 May mga pangungusap na nakakatulad ng kamatayan;huwag nawang marinig iyon sa lahi ni Jacob.Ang may paggalang sa Diyos ay hindi gumagawa ng gayon,at di nagugumon sa kasalanan.
13 Huwag ninyong pamimihasahin ang inyong bibig sa magaspang at maruming pananalita,sapagkat iyan ay kasalanan.
14 Alalahanin mo ang iyong ama at ina,kapag nasa kapulungan ka ng mga dakilang tao.Baka makalimot ka sa sarili,at makagawa ka ng kahangalan.Pagkatapos, nanaisin mong hindi ka na isinilang,at susumpain mo ang araw ng iyong kapanganakan.
15 Ang taong nasanay sa pagsasalita ng masakitay hindi na mababago habang buhay.
16 May dalawang uri ng tao na patung-patong ang kasalanan,at may ikatlo na humihingi ng parusa ng Diyos.Ang lagablab ng kahalayan ay parang marubdob na apoyna hindi uurong ang ningas hanggang kamatayan.Ang nakikiapid sa kanyang kamag-anak,ito'y hindi titigil hanggang hindi siya natutupok sa apoy na iyon.