15 Ang taong nasanay sa pagsasalita ng masakitay hindi na mababago habang buhay.
16 May dalawang uri ng tao na patung-patong ang kasalanan,at may ikatlo na humihingi ng parusa ng Diyos.Ang lagablab ng kahalayan ay parang marubdob na apoyna hindi uurong ang ningas hanggang kamatayan.Ang nakikiapid sa kanyang kamag-anak,ito'y hindi titigil hanggang hindi siya natutupok sa apoy na iyon.
17 Ang taong hayok sa laman; ang ganitong tao'y walang patawad sa babae,at di siya matitigil hanggang kamatayan.
18 Ang lalaking nangangalunya;sinasabi niya sa sarili, “Sino ang nakakakita sa akin?Ako'y nasa gitna ng dilim! Natatakpan ako ng mga dingding;walang nakakakita sa akin! Anong dapat kong ikatakot?Hindi na mapapansin ng Kataas-taasang Diyos ang aking mga kasalanan.”
19 Wala siyang kinatatakutan kundi ang mata ng tao.Hindi niya naiisip na ang paningin ng Panginoonay ilang libong higit na maliwanag kaysa sikat ng araw,na minamasdan ng Panginoon ang lahat ng ginagawa ng tao,at nakikita ang pinakatatagong lihim.
20 Alam na ng Panginoon ang lahat bago pa lalangin ang mga ito,at mananatiling alam niya matapos lalangin.
21 Ang ganyang tao'y darakpin sa oras na hindi niya inaasahan,at paparusahan sa harap ng buong bayan.