20 Alam na ng Panginoon ang lahat bago pa lalangin ang mga ito,at mananatiling alam niya matapos lalangin.
21 Ang ganyang tao'y darakpin sa oras na hindi niya inaasahan,at paparusahan sa harap ng buong bayan.
22 Gayundin ang babaing nagtaksil sa asawa,at nagkaanak sa ibang lalaki.
23 Una, sumuway siya sa Kautusan ng Kataas-taasang Diyos;ikalawa, nilapastangan niya ang kanyang asawa;ikatlo, siya'y nangalunya,at nagkaanak siya sa ibang lalaki.
24 Ang ganyang babae ay paparusahan sa harap ng kapulungan,at pati ang mga anak niya'y madaramay.
25 Hindi sila igagalang sa lipunan,at hindi darami ang kanilang angkan.
26 Susumpain ang kanyang alaala,at hindi na mapapawi kailanman ang kanyang pagkapahiya.