23 Una, sumuway siya sa Kautusan ng Kataas-taasang Diyos;ikalawa, nilapastangan niya ang kanyang asawa;ikatlo, siya'y nangalunya,at nagkaanak siya sa ibang lalaki.
24 Ang ganyang babae ay paparusahan sa harap ng kapulungan,at pati ang mga anak niya'y madaramay.
25 Hindi sila igagalang sa lipunan,at hindi darami ang kanilang angkan.
26 Susumpain ang kanyang alaala,at hindi na mapapawi kailanman ang kanyang pagkapahiya.
27 Sa gayon, malalaman ng mga maiiwan,na walang kasimbuti ang gumalang sa Panginoon,at walang kasing tamis ang sumunod sa kanyang mga utos.