5 Ilayo po ninyo ako sa masasamang hilig.
6 Huwag ninyong ipahintulot na pagharian ako ng kabuktutan at kahalayanat alipinin ng mga kahiya-hiyang pagnanasa.
7 Pakinggan ninyo, mga anak, itong aking ituturo;ang sinumang susunod rito ay hindi mapapariwara.
8 Ang makasalanan ay nahuhuli sa sariling dila,at iyon din ang ikinapapahamak ng palalo at lapastangan.
9 Huwag ninyong uugaliin ang panunumpa,at huwag laging babanggitin ang pangalan ng Banal na Diyos.
10 Hindi maaaring hindi magkaroon ng latayang aliping palaging hinahagupit.Gayundin naman, hindi maaaring hindi magkasalaang taong laging nanunumpa at bumabanggit sa pangalan ng Diyos.
11 Dumarami ang ipinagkakasala ng taong laging nanunumpa,kaya't ang kanyang sambahayan ay hindi na hinihiwalayan ng sakuna.Kapag di niya tinupad ang sinumpaan, ito'y kasalanan;kapag ipinagwalang-bahala niya ang sinumpaan, ito'y dobleng kasalanan.At kapag siya'y nanumpa nang hindi naman kinakailangan, kasalanan pa rin.Kaya't sapin-sapin ang kapahamakang dumarating sa kanyang sambahayan.