1 Ito ang papuri na isinalaysay ng Karunungan tungkol sa kanyang sarili,
2 sa kapulungan ng Kataas-taasang Diyos, ipapahayag niya,sa harap ng mga anghel magpupuri siya.
3 “Nanggaling ako sa bibig ng Kataas-taasang Diyos,at parang ulap na lumukob ako sa ibabaw ng lupa.
4 Ang tahanan ko'y nasa kaitaasan,at ang luklukan ko'y nasa ibabaw ng isang haliging ulap.
5 Nag-iisa akong naglibot sa kalangitanat naglakad sa pusod ng kalaliman,
6 Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang tubig sa karagatan,ang buong daigdig at ang lahat ng mga bansa at lahi.
7 Naghanap ako ng mapapagpahingahan sa piling nila,namili ako sa kanilang mga lupain ng matitirahan.