10 Naglingkod ako sa kanya sa tahanang banal,at sa Bundok ng Zion ako nanirahan.
11 Ako nga'y pinatira niya sa lunsod niyang mahal,at inilagay niya ang Jerusalem sa ilalim ng aking pamamahala.
12 Nag-ugat ako sa piling ng bayang dinakila,at piniling maging tanging bayan ng Panginoon.
13 Doon ay yumabong akong gaya ng sedar sa Lebanonat tulad ng sipres sa Bundok ng Hermon.
14 Doon ay tumaas akong gaya ng palma sa Engedi,at nanariwang gaya ng rosas sa Jerico.Doon ay lumago akong tulad ng olibo sa kabukiran,at tulad ng isang malaking puno ay lumaki ako.
15 Humalimuyak ang aking bango tulad ng kanela,gaya ng balsamo at mamahaling mira,tulad ng galbano, astakte o onica,parang usok ng insenso na pumapailanlang sa tahanang banal.
16 Yumabong ang aking mga sanga gaya ng ensina,madadahon at magaganda.