16 Yumabong ang aking mga sanga gaya ng ensina,madadahon at magaganda.
17-18 Tulad ng punong-ubas, nakatutuwa ang aking mga usbong;at ang bulaklak ko'y namunga ng dangal at kayamanan.
19 Lumapit kayong lahat, kayong nananabik sa akin,at magpakabusog kayo sa aking mga bunga.
20 Sapagkat ang pag-alala ninyo sa akinay matamis pa kaysa pulot na galing sa bahay-pukyutan.
21 Kainin ninyo ako't inumin,at hihingi pa uli kayo.
22 Ang sumusunod sa akin ay hindi mapapahiya,ang tumutupad ng aral ko ay di magkakasala.”
23-24 Ang karunungan ay ang Kautusan,ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,ang mana ng sambayanan ng Israel.