19 Lumapit kayong lahat, kayong nananabik sa akin,at magpakabusog kayo sa aking mga bunga.
20 Sapagkat ang pag-alala ninyo sa akinay matamis pa kaysa pulot na galing sa bahay-pukyutan.
21 Kainin ninyo ako't inumin,at hihingi pa uli kayo.
22 Ang sumusunod sa akin ay hindi mapapahiya,ang tumutupad ng aral ko ay di magkakasala.”
23-24 Ang karunungan ay ang Kautusan,ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,ang mana ng sambayanan ng Israel.
25 Sa Kautusan nagmumula ang Karunungan, umaapaw na gaya ng Ilog Pison,tulad ng Tigris sa panahon ng unang pamumunga.
26 Sa Kautusan bumubukal ang pang-unawa, umaagos na gaya ng Ilog Eufrates,tulad ng Ilog Jordan sa panahon ng tag-ani.