23-24 Ang karunungan ay ang Kautusan,ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,ang mana ng sambayanan ng Israel.
25 Sa Kautusan nagmumula ang Karunungan, umaapaw na gaya ng Ilog Pison,tulad ng Tigris sa panahon ng unang pamumunga.
26 Sa Kautusan bumubukal ang pang-unawa, umaagos na gaya ng Ilog Eufrates,tulad ng Ilog Jordan sa panahon ng tag-ani.
27 Sa Kautusan bumubukal ang mabubuting aral, gaya ng Ilog Nilo,tulad ng Ilog Gihon sa panahon ng pamimitas ng ubas.
28 Kung paanong hindi lubos na maunawaan ng unang tao ang karunungan,wala pa ring makatatarok sa kanya hanggang sa wakas.
29 Sapagkat malawak pa kaysa karagatan ang kanyang kaisipan,malalim pa kaysa kalaliman ang kanyang mga payo.
30 Ang tulad ko'y isang kanal ng patubig,na umaagos mula sa ilog patungo sa isang halamanan.