26 Sa Kautusan bumubukal ang pang-unawa, umaagos na gaya ng Ilog Eufrates,tulad ng Ilog Jordan sa panahon ng tag-ani.
27 Sa Kautusan bumubukal ang mabubuting aral, gaya ng Ilog Nilo,tulad ng Ilog Gihon sa panahon ng pamimitas ng ubas.
28 Kung paanong hindi lubos na maunawaan ng unang tao ang karunungan,wala pa ring makatatarok sa kanya hanggang sa wakas.
29 Sapagkat malawak pa kaysa karagatan ang kanyang kaisipan,malalim pa kaysa kalaliman ang kanyang mga payo.
30 Ang tulad ko'y isang kanal ng patubig,na umaagos mula sa ilog patungo sa isang halamanan.
31 Sinabi ko noon: Didiligin ko ang aking halamanan,at titigmakin ko ang aking mga taniman;at ngayon, ang aking kanal ay naging ilog,at ang aking ilog ay naging dagat.
32 Ihahanay kong muli ang mabuting aral, maliwanag na parang bukang-liwaywayupang kumalat ang liwanag niya hanggang sa malayo.