3 “Nanggaling ako sa bibig ng Kataas-taasang Diyos,at parang ulap na lumukob ako sa ibabaw ng lupa.
4 Ang tahanan ko'y nasa kaitaasan,at ang luklukan ko'y nasa ibabaw ng isang haliging ulap.
5 Nag-iisa akong naglibot sa kalangitanat naglakad sa pusod ng kalaliman,
6 Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang tubig sa karagatan,ang buong daigdig at ang lahat ng mga bansa at lahi.
7 Naghanap ako ng mapapagpahingahan sa piling nila,namili ako sa kanilang mga lupain ng matitirahan.
8 At ang Lumalang sa lahat ang nag-utos sa akin;siya, na lumikha sa akin ang nagtakda ng aking tirahan.Sinabi niya, ‘Sa lupain ni Jacob, itayo mo ang iyong tahanan,ang bayang Israel ang iyong magiging mana.’
9 Nilikha niya ako bago pa nagsimula ang mga panahon,at mananatili ako magpakailanman.