30 Ang tulad ko'y isang kanal ng patubig,na umaagos mula sa ilog patungo sa isang halamanan.
31 Sinabi ko noon: Didiligin ko ang aking halamanan,at titigmakin ko ang aking mga taniman;at ngayon, ang aking kanal ay naging ilog,at ang aking ilog ay naging dagat.
32 Ihahanay kong muli ang mabuting aral, maliwanag na parang bukang-liwaywayupang kumalat ang liwanag niya hanggang sa malayo.
33 Palalaganapin kong muli ang mabuting aral,na parang isang pahayag, mula sa Diyosupang maging pamana sa mga susunod na salinlahi.
34 Ang pagpapagal ko'y hindi para sa akin lamang,kundi para sa lahat ng naghahangad ng Karunungan.