2 Tatlong uri naman ng tao ang aking kinapopootan,at ang gawa nila'y labis kong kinasusuklaman:ang maralitang nagmamataas, ang mayamang sinungaling,at ang matandang hayok sa laman.
3 Kung hindi ka mag-iimpok ng Karunungan samantalang bata pa,anong iyong aasahan kapag tumanda na?
4 Kahanga-hanga ang isang matanda sa kakayahan nitong umunawa,at ang may karanasan sa kanyang pagpapayo.
5 Nararapat na ang isang matanda ay maging marunongat ang taong marangal ay maging mabuting tagapayo.
6 Ang mahabang karanasan ang putong ng katandaan,at ang paggalang sa Panginoon ang tunay nilang karangalan.
7 Siyam na bagay ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan,at may isa pa akong idaragdag:Ang magulang na ang kaligayahan ay ang kanyang mga anak;ang taong saksi sa pagbagsak ng kanyang mga kaaway;
8 ang lalaking may matalinong asawa;ang mag-asawang nagkakasundo,ang taong hindi nagkakasala sa pananalita;ang taong hindi naglilingkod sa mas hamak kaysa kanya;