12 Uhaw na manlalakbay ang kanyang kawangis,walang takot na iinom sa alinmang batis.Mahihiga siya sa alinmang silid,at sa sinumang lalaki'y makikipagtalik.
13 Kaaliwan ng lalaki ang mabait na maybahay;sa kakayahan ng babae sisigla ang kanyang buhay.
14 Ang tahimik na maybahay ay isang kaloob ng Panginoon;mahinahon niyang asal ay hindi mababayaran ng salapi.
15 Ang mahinhing maybahay, kagandaha'y lalong tumitingkad,kalinisan ng kalooban ay mas mainam kaysa mamahaling hiyas.
16 Ang mabait na maybahay ay liwanag ng tahanan,parang araw na sumisikat doon sa kalangitan.
17 Parang banal na ilawang nagsasabog ng liwanagang maamo niyang mukha at maalindog na katawan.
18 Haliging ginto na may tuntungang pilakang kawangis ng mabibilog niyang binti at mga paang matatag.