14 Ang tahimik na maybahay ay isang kaloob ng Panginoon;mahinahon niyang asal ay hindi mababayaran ng salapi.
15 Ang mahinhing maybahay, kagandaha'y lalong tumitingkad,kalinisan ng kalooban ay mas mainam kaysa mamahaling hiyas.
16 Ang mabait na maybahay ay liwanag ng tahanan,parang araw na sumisikat doon sa kalangitan.
17 Parang banal na ilawang nagsasabog ng liwanagang maamo niyang mukha at maalindog na katawan.
18 Haliging ginto na may tuntungang pilakang kawangis ng mabibilog niyang binti at mga paang matatag.
19 Anak, ingatan mo ang iyong katawan samantalang ikaw ay nasa kasibulan,at huwag mong aksayahin ang iyong lakas sa mga taong hindi mo kilala.
20 Saliksikin mo ang buong bansa sa paghanap ng mabuting makakaisang-dibdib,at tiwala sa sariling lahi, ay gawin mo siyang ina ng iyong mga anak.