16 Ang mabait na maybahay ay liwanag ng tahanan,parang araw na sumisikat doon sa kalangitan.
17 Parang banal na ilawang nagsasabog ng liwanagang maamo niyang mukha at maalindog na katawan.
18 Haliging ginto na may tuntungang pilakang kawangis ng mabibilog niyang binti at mga paang matatag.
19 Anak, ingatan mo ang iyong katawan samantalang ikaw ay nasa kasibulan,at huwag mong aksayahin ang iyong lakas sa mga taong hindi mo kilala.
20 Saliksikin mo ang buong bansa sa paghanap ng mabuting makakaisang-dibdib,at tiwala sa sariling lahi, ay gawin mo siyang ina ng iyong mga anak.
21 Sa gayon, magkakaroon ka ng maraming anak,at maipagmamalaki nila ang kanilang angkang pinagmulan.
22 Ang babaing bayaran ay parang dura.Ang may-asawang babae na pumapatol sa iba ay nagdudulot ng kamatayan sa mga lalaking nahuhumaling sa kanya.