2 Kasiyahan ng lalaki ang matapat na asawa,kaya't siya'y mapayapang mabubuhay hanggang wakas.
3 Ang isang mabuting maybahay ang pinakamahalagang kaloob,na itinalaga ng Panginoon sa may takot sa kanya.
4 Sa kasaganaan o sa kasalatan, may galak sa kanyang puso,at anuman ang mangyari ay may ngiti sa mga labi.
5 Tatlong bagay ang labis kong kinatatakutan,at may isa pang dapat pangambahan:ang paratang ng buong bayan, ang hatol ng karamihang di nakakaunawa,at ang paninirang-puri ng talikuran—ang tatlong iyan ay masaklap pa sa kamatayan.
6 Ngunit hapdi ng puso at hirap ng loob ang pagseselos ng babae;walang pinatatawad ang matalas niyang dila.
7 Ang masungit na maybahay ay parang pamatok na hindi makalapat.Ang pagsupil sa ganyang uri ng tao ay mas mapanganib pa kaysa humawak ng alakdan.
8 Ang asawang lasenggera ay talagang nakakasuklam,wala na siyang nalalabing kahihiyan.