22 Ang babaing bayaran ay parang dura.Ang may-asawang babae na pumapatol sa iba ay nagdudulot ng kamatayan sa mga lalaking nahuhumaling sa kanya.
23 Ang babaing walang takot sa Diyos ang nababagay sa lalaking walang kinikilalang batas,ngunit ang lalaking malapit sa Diyos ay makakatapat ng butihing kabiyak.
24 Ang asawang walang dangal ay natutuwang gumawa ng kahiya-hiya,ngunit ang babaing mahinhin ay mahinhin kahit sa harap ng kanyang asawa.
25 Ang asawang matigas ang ulo ay parang isang aso,ngunit ang babaing may dangal ay malaki ang paggalang sa Panginoon.
26 Ang babaing may paggalang sa asawa ay itinuturing na marunong ng lahat ng tao,ngunit ang babaing humahamak sa asawa ay ipinapalagay ng lahat na isang masamang tao.Mapalad ang lalaking may butihing asawa;mabubuhay siya nang matagal.
27 Ang babaing bungangera at daldalera ay parang trumpetang naghuhudyat ng pagsalakay,ang lalaking mapangasawa ng ganyang babae ay parang nasa giyera habang buhay.
28 Dalawang pangyayari ang nakakahabag:ang pagdaralita ng sundalong naghirap,at ang marunong na inaaring hamak.Ang ikatlo naman ay nakakagalit:ang taong banal na sa lusak ay magbalik.Kamatayan ang parusa ng Panginoon sa taong ganyan.