26 Ang babaing may paggalang sa asawa ay itinuturing na marunong ng lahat ng tao,ngunit ang babaing humahamak sa asawa ay ipinapalagay ng lahat na isang masamang tao.Mapalad ang lalaking may butihing asawa;mabubuhay siya nang matagal.
27 Ang babaing bungangera at daldalera ay parang trumpetang naghuhudyat ng pagsalakay,ang lalaking mapangasawa ng ganyang babae ay parang nasa giyera habang buhay.
28 Dalawang pangyayari ang nakakahabag:ang pagdaralita ng sundalong naghirap,at ang marunong na inaaring hamak.Ang ikatlo naman ay nakakagalit:ang taong banal na sa lusak ay magbalik.Kamatayan ang parusa ng Panginoon sa taong ganyan.
29 Mahirap umiwas sa pagkakasala ang mangangalakal;ang mga nagtitinda ay laging nanganganib matuksong mandaya.