9 Ang asawang nangangalunya ay madaling makilala,sa masagwa niyang kilos at malilikot na mata.
10 Pangalagaan mong mabuti ang sutil mong anak na babae;upang huwag makapagsamantala kung may pagkakataon.
11 Bantayan mong lagi ang kanyang mahalay na sulyap;at huwag kang magtaka kung ipahamak ka niya.
12 Uhaw na manlalakbay ang kanyang kawangis,walang takot na iinom sa alinmang batis.Mahihiga siya sa alinmang silid,at sa sinumang lalaki'y makikipagtalik.
13 Kaaliwan ng lalaki ang mabait na maybahay;sa kakayahan ng babae sisigla ang kanyang buhay.
14 Ang tahimik na maybahay ay isang kaloob ng Panginoon;mahinahon niyang asal ay hindi mababayaran ng salapi.
15 Ang mahinhing maybahay, kagandaha'y lalong tumitingkad,kalinisan ng kalooban ay mas mainam kaysa mamahaling hiyas.