1 Ang mapaghiganti ay paghihigantihan din ng Panginoon,pagkat natatandaan niya ang kasalanan ng bawat tao.
2 Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang,at kapag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman.
3 Ang nagtatanim ng galit laban sa kapwa,kapag tumawag sa Panginoon, walang kakamting awa.
4 Kung hindi siya nahahabag sa kapwa,paano niya ihihingi ng tawad ang kanyang mga kasalanan?