1 Ang mapaghiganti ay paghihigantihan din ng Panginoon,pagkat natatandaan niya ang kasalanan ng bawat tao.
2 Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang,at kapag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman.
3 Ang nagtatanim ng galit laban sa kapwa,kapag tumawag sa Panginoon, walang kakamting awa.
4 Kung hindi siya nahahabag sa kapwa,paano niya ihihingi ng tawad ang kanyang mga kasalanan?
5 Kung siya na tao lamang, ay nagkikimkim ng galit,sinong magpapatawad sa kanyang mga kasalanan?
6 Alalahanin mo ang iyong wakas at pawiin mo ang iyong galit.Isipin mo ang kamatayan at maging tapat ka sa mga Kautusan.
7 Tandaan mo ang Kautusan at huwag kang magalit sa kapwa;alalahanin mo ang kasunduan ng Kataas-taasang Diyos at matuto kang magpatawad.