12 Hipan mo ang baga, iyo'y magniningas,ngunit kung duraan mo, iyo'y mamamatay,at alinman dito'y bibig mo ang may gawa.
13 Sumpain ang madaldal at ang mahabang-dila,maraming nananahimik ang kanyang sinasalanta.
14 Marami nang ipinahamak ang dilang mapanghimasok:Mga bansa'y napatapon sa iba't ibang lupain;mga lunsod na may kuta ay nalupig ng kaaway; mga naghahari ay bumagsak nang tuluyan.
15 Dahil pa rin sa dilang iyan ang matapat na maybahay ay napalayas sa tahanan,at ang kanyang pinagpagura'y inagaw na walang awa.
16 Ang sinumang nakikinig sa tsismis ay hindi magkakamit ng kapahingahan.
17 Ang hampas ng latigo ay nakakalatay;ang hagupit ng dila ay nakakabali ng buto.
18 Mas marami ang namatay sa talas ng dila,kaysa napahamak sa talim ng espada.