18 Mas marami ang namatay sa talas ng dila,kaysa napahamak sa talim ng espada.
19 Mapalad ang taong dito'y nakaiwas,sa kalupitan nito'y lubhang nakaligtas.Mapalad ang taong hindi nito nagapos,at hindi nagpasan ng pamatok nito.
20 Ang pamatok nito'y sintigas ng bakal,ang tanikala'y mabigat na tanso.
21 Ang kamatayang iginagawad nito'y kakila-kilabot,higit na malupit kaysa libingan.
22 Walang magagawa ang dilang malupit sa mga tunay na banal,at hindi sila masusunog ng apoy nito.
23 Ngunit ang mga tumatalikod sa Panginoon ay mahuhulog sa kapangyarihan niya,matutupok sila magpakailanman sa kanyang ningas na di mapapawi.Ang malupit na dila ay sasalakay na parang leon,parang malupit na leopardo na lalapa sa kanila.
24-25 Kung sinususian ang ginto mo't pilak upang hindi manakaw,mga salita mo ay dapat timbangin at pakaingatan.Kung pinalilibutan mo ang iyong ubasan ng bakod na tinik,lagyan mo ng pinto't matibay na tarangka ang iyong bibig.