6 Alalahanin mo ang iyong wakas at pawiin mo ang iyong galit.Isipin mo ang kamatayan at maging tapat ka sa mga Kautusan.
7 Tandaan mo ang Kautusan at huwag kang magalit sa kapwa;alalahanin mo ang kasunduan ng Kataas-taasang Diyos at matuto kang magpatawad.
8 Iwasan mo ang pagtatalo nang hindi ka laging magkasala;ang mainitin ang ulo ay laging napapaaway.
9 Ang masamang tao'y naghahasik ng alitan,pinag-aaway-away nito ang mga magkakaibigan.
10 Ang pagliliyab ng apoy ay nasa dami ng gatong;ang pag-init ng labanan ay nasa tindi ng pagkagalit.Ang tindi ng pagkagalit ay nasa yaman ng bawat isa,kung mayaman ang isang tao, lalong matindi ang galit niya.
11 Ang padalus-dalos na usapa'y nauuwi sa mainitang pagtatalo;ang biglang siklab na alita'y humahantong sa patayan.
12 Hipan mo ang baga, iyo'y magniningas,ngunit kung duraan mo, iyo'y mamamatay,at alinman dito'y bibig mo ang may gawa.