8 Iwasan mo ang pagtatalo nang hindi ka laging magkasala;ang mainitin ang ulo ay laging napapaaway.
9 Ang masamang tao'y naghahasik ng alitan,pinag-aaway-away nito ang mga magkakaibigan.
10 Ang pagliliyab ng apoy ay nasa dami ng gatong;ang pag-init ng labanan ay nasa tindi ng pagkagalit.Ang tindi ng pagkagalit ay nasa yaman ng bawat isa,kung mayaman ang isang tao, lalong matindi ang galit niya.
11 Ang padalus-dalos na usapa'y nauuwi sa mainitang pagtatalo;ang biglang siklab na alita'y humahantong sa patayan.
12 Hipan mo ang baga, iyo'y magniningas,ngunit kung duraan mo, iyo'y mamamatay,at alinman dito'y bibig mo ang may gawa.
13 Sumpain ang madaldal at ang mahabang-dila,maraming nananahimik ang kanyang sinasalanta.
14 Marami nang ipinahamak ang dilang mapanghimasok:Mga bansa'y napatapon sa iba't ibang lupain;mga lunsod na may kuta ay nalupig ng kaaway; mga naghahari ay bumagsak nang tuluyan.