1 Ituring mong kawanggawa ang ikaw ay magpahiram,iya'y tulong sa kapwa at pagsunod sa Kautusan.
2 Pahiramin ang kapwang nasa pangangailangan,at magbayad sa panahon, kapag ikaw ang may utang.
3 Tumupad ka sa pangako at lagi kang maging tapat,at sa iyong kagipita'y may tutulong agad-agad.
4 Ngunit mayroong ang akala'y hulog ng langit ang inutang,kaya't ang pinagkakautanga'y nabibitin sa alangan.