10 Mawala na ang salapi sa kapatid o kaibigan,huwag lamang amagin o mawala sa taguan.
11 Kayamanan ay gamitin nang ayon sa Batas ng Diyos,at papakinabangan mo nang higit pa kaysa ginto.
12 Paglilimos ay ituring na malaking kayamanan,sa lahat ng kasamaan, magsisilbing kaligtasan;
13 maaasahang sa tuwina'y magagamit laban sa kaaway,nang higit pa sa isang sibat at kalasag na matibay.
14 Ang mabuting tao'y gumagarantiya sa utang ng kaibigan.Kaya wala nang nalalabing kahihiyan ang nangangahas manloko sa kanya.
15 Yamang kanyang itinaya ang kanyang karangalan para sa iyo,huwag mo itong kalilimutang tanawing utang na loob.
16 Ngunit mayroong walang utang na loob na hindi na naalala ang gumarantiya para sa kanya,at pinababayaang mapinsala ang taong nagmalasakit.