15 Yamang kanyang itinaya ang kanyang karangalan para sa iyo,huwag mo itong kalilimutang tanawing utang na loob.
16 Ngunit mayroong walang utang na loob na hindi na naalala ang gumarantiya para sa kanya,at pinababayaang mapinsala ang taong nagmalasakit.
17 Maraming mayaman ang naghirap dahil sa paggarantiya,ang sinapit nila'y daig pa ang sinalanta ng bagyo sa karagatan.
18 Maraming mayayaman na ang bumagsak dahil sa paggarantiya,at napilitan silang magpalabuy-laboy sa ibang lupain.
19 Ang makasalanang gumagarantiya upang kumita ng salapi,malimit ay nasusubo sa gulo at maraming usapin.
20 Tumulong ka sa kapwa mo ayon sa iyong kakayanan,ngunit mag-ingat ka para huwag masubo sa alangan.
21 Pangunahing pangangailangan sa buhay ng tao ang pagkain at inumin, ang damit na pantakip sa katawan,at tahanang mapangungublihan sa tingin ng madla.