18 Maraming mayayaman na ang bumagsak dahil sa paggarantiya,at napilitan silang magpalabuy-laboy sa ibang lupain.
19 Ang makasalanang gumagarantiya upang kumita ng salapi,malimit ay nasusubo sa gulo at maraming usapin.
20 Tumulong ka sa kapwa mo ayon sa iyong kakayanan,ngunit mag-ingat ka para huwag masubo sa alangan.
21 Pangunahing pangangailangan sa buhay ng tao ang pagkain at inumin, ang damit na pantakip sa katawan,at tahanang mapangungublihan sa tingin ng madla.
22 Mabuti pa ang magdildil ng asin sa sariling kubo,kaysa kumain ng masarap sa bahay ng ibang tao.
23 Masiyahan ka sa kasaganaan, gayundin sa pagdarahopnang hindi ka masabihan na ikaw ay isang linta.
24 Kaawa-awa ang buhay ng walang sariling tahanan;malimit, hindi siya makapagsalita sapagkat siya'y nanunuluyan lamang.