2 Pahiramin ang kapwang nasa pangangailangan,at magbayad sa panahon, kapag ikaw ang may utang.
3 Tumupad ka sa pangako at lagi kang maging tapat,at sa iyong kagipita'y may tutulong agad-agad.
4 Ngunit mayroong ang akala'y hulog ng langit ang inutang,kaya't ang pinagkakautanga'y nabibitin sa alangan.
5 Sa mayamang inuutangan ang papuri'y hanggang langit,halos hagkan pati kamay habang siya'y namamanhik.Ngunit kapag sumapit na ang panahon ng bayaran,iyon ay ipinagpapaliban, sari-sari ang dahilan.
6 At sakaling mapabalik kalahati ng inutang,ito'y dapat nang ikagalak ng pobreng inutangan.Ang malimit na mangyari'y nawala na ang pautang,kaibiga'y nawala ri't nahalinhan ng kaaway.Bayad nito'y alimura, at masasakit na salita,paninirang-puri sa halip na pasasalamat.
7 Kaya tuloy dumarami ang ayaw magpahiram, hindi dahil sa ibig niyang magmaramot kaninuman,kundi dahil sa pangambang baka siya'y madaya lamang.
8 Datapwat kung sa dukha, ika'y maging bukás-palad,huwag siyang paghintayin sa tulong mong igagawad.