22 Mabuti pa ang magdildil ng asin sa sariling kubo,kaysa kumain ng masarap sa bahay ng ibang tao.
23 Masiyahan ka sa kasaganaan, gayundin sa pagdarahopnang hindi ka masabihan na ikaw ay isang linta.
24 Kaawa-awa ang buhay ng walang sariling tahanan;malimit, hindi siya makapagsalita sapagkat siya'y nanunuluyan lamang.
25 Kahit siya ang humarap sa mga panauhin at mag-abot ng inumin, walang magpapasalamat sa kanyang ginawa.Sa halip, makakarinig pa siya ng masasakit na salita:
26 “Halika rito, dayuhan, ihanda mo ang hapag-kainan,at kung may dala kang pagkain, ibigay mo sa akin.”
27 O kaya'y, “Umalis ka na, dayuhan, mayroon akong ibang panauhin,darating ang kapatid ko, at kailangan ko ang silid na iyong tinutuluyan.”
28 Masakit sa isang marunong makiramdamang siya'y hamakin ng tinutuluyan o alipustain ng pinagkakautangan.