24 Kaawa-awa ang buhay ng walang sariling tahanan;malimit, hindi siya makapagsalita sapagkat siya'y nanunuluyan lamang.
25 Kahit siya ang humarap sa mga panauhin at mag-abot ng inumin, walang magpapasalamat sa kanyang ginawa.Sa halip, makakarinig pa siya ng masasakit na salita:
26 “Halika rito, dayuhan, ihanda mo ang hapag-kainan,at kung may dala kang pagkain, ibigay mo sa akin.”
27 O kaya'y, “Umalis ka na, dayuhan, mayroon akong ibang panauhin,darating ang kapatid ko, at kailangan ko ang silid na iyong tinutuluyan.”
28 Masakit sa isang marunong makiramdamang siya'y hamakin ng tinutuluyan o alipustain ng pinagkakautangan.