6 At sakaling mapabalik kalahati ng inutang,ito'y dapat nang ikagalak ng pobreng inutangan.Ang malimit na mangyari'y nawala na ang pautang,kaibiga'y nawala ri't nahalinhan ng kaaway.Bayad nito'y alimura, at masasakit na salita,paninirang-puri sa halip na pasasalamat.
7 Kaya tuloy dumarami ang ayaw magpahiram, hindi dahil sa ibig niyang magmaramot kaninuman,kundi dahil sa pangambang baka siya'y madaya lamang.
8 Datapwat kung sa dukha, ika'y maging bukás-palad,huwag siyang paghintayin sa tulong mong igagawad.
9 Alang-alang sa Kautusan, maralita ay kupkupin,hanggang hindi nabibigyan, huwag siyang paalisin.
10 Mawala na ang salapi sa kapatid o kaibigan,huwag lamang amagin o mawala sa taguan.
11 Kayamanan ay gamitin nang ayon sa Batas ng Diyos,at papakinabangan mo nang higit pa kaysa ginto.
12 Paglilimos ay ituring na malaking kayamanan,sa lahat ng kasamaan, magsisilbing kaligtasan;