2 Ang mahigpit sa anak ay makikinabang sa huli;sa kanyang mga kaibigan, ito'y maipagmamalaki.
3 May naipagmamalaki sa mga kaibigan ang mabuting magturo sa anak,at kinaiinggitan pa ng kanyang mga kaaway.
4 Kahit na siya'y patay na, wari'y buháy pa rin siya,sapagkat ang kanyang naiwan ay tunay na larawan niya.
5 Habang buháy siya sa daigdig, ang dulot ng anak ay kasiyahan,at pagsapit ng kamatayan, papanaw siyang walang agam-agam.
6 Ang iniwan niyang anak ang maghihiganti sa kanyang mga kaaway,at ito rin ang magbabayad ng utang na loob niya sa mga kaibigan.
7 Ang nagpapalayaw sa anak ay lubhang masasaktan,at magigimbal ang puso niya sa bawat daing.
8 Ang kabayong hilaw-sa-turo ay mahirap na pigilin,ang anak na pinalayaw ay mahirap na supilin.