1 Ang pag-aalala sa kayamanan ay nakakapayatbunga ng pagpupuyat at kawalan ng pahinga.
2 Ang labis na pag-aalala sa hanapbuhay ay di nagpapatulog sa gabi,parang malubhang sakit na ayaw magpatulog.
3 Puspusang nagtatrabaho ang mayaman upang magkamal siya ng salapi,sa gayon, pagtigil niya'y maaari na siyang magpasasa sa buhay.
4 Nagpapagal din ang mahirap ngunit wala namang naiipon,at pagtigil niya'y dukha pa rin siya.
5 Ang labis na nagmamahal sa ginto ay mahirap maging banal,ang gahaman sa pagkita ay malamang magkasala.
6 Dahil sa salapi ay marami nang bumagsakat lubusang napahamak.