11 Dahil dito'y magiging matatag ang kanyang kabuhayanat pupurihin ng buong bayan ang mga ginawa niyang kabutihan.
12 Kapag ikaw ay naanyayahan sa isang maringal na piginghuwag kang magpakita ng pananabik at magsabing, “Mukhang masarap ito!”
13 Tandaan mo na masama ang katakawan,at sa lahat ng nilalang, walang kasintakaw ang mata;kaya naman napakalimit itong naluluha.
14 Huwag mong dadamputin ang lahat ng iyong makita,at huwag kang makikipag-unahan sa pagdampot ng pagkain.
15 Alalahanin mo ang damdamin ng iba batay sa sarili mong damdamin,at maging maunawain ka sa lahat ng pagkakataon.
16 Kainin mo ang anumang nakahain sa iyo na para kang isang maginoo,at huwag kang magpakita ng magaspang na asal kung hindi mo nais na ikaw ay kamuhian.
17 Hinihiling ng kagandahang-asal na magpauna kang umayaw.Huwag kang magpakita ng labis na katakawan nang hindi ka lumabas na kahiya-hiya.