24 Ang napakatipid maghanda ay mababalitang kuripotat ang paniniwalang iyan ay mahirap pabulaanan.
25 Huwag mong ipagmayabang ang lakas mo sa inuman,marami na ang napahamak sa pag-inom ng alak.
26 Kapag pinabaga at binasa ang patalim, nasusubok ang husay nito,sa kanyang pag-inom nakikilala ang maginoo.
27 Ang alak ay nagpapasigla sa buhaykapag ito'y ininom nang katamtaman.Ano ang sarap ng mabuhay kung walang alak?Ang alak ay nilikha upang magpaligaya sa tao.
28 Kung ang alak ay iniinom nang napapanahon at nang katamtaman,ito ay nagpapaligaya sa puso at nagpapasigla ng kalooban.
29 Ngunit sakit ng ulo, hirap ng loob at kahihiyan,ang dulot ng alak kapag ininom nang labis.
30 Ang pagkalasing ay nagiging gatong sa galit ng hangal, na nagbubunsod sa kanya sa kapahamakan.Nakakabawas ng lakas at nakadaragdag ng mga sugat.