26 Kapag pinabaga at binasa ang patalim, nasusubok ang husay nito,sa kanyang pag-inom nakikilala ang maginoo.
27 Ang alak ay nagpapasigla sa buhaykapag ito'y ininom nang katamtaman.Ano ang sarap ng mabuhay kung walang alak?Ang alak ay nilikha upang magpaligaya sa tao.
28 Kung ang alak ay iniinom nang napapanahon at nang katamtaman,ito ay nagpapaligaya sa puso at nagpapasigla ng kalooban.
29 Ngunit sakit ng ulo, hirap ng loob at kahihiyan,ang dulot ng alak kapag ininom nang labis.
30 Ang pagkalasing ay nagiging gatong sa galit ng hangal, na nagbubunsod sa kanya sa kapahamakan.Nakakabawas ng lakas at nakadaragdag ng mga sugat.
31 Huwag mong pagsasabihan ang isang tao sa oras ng inuman,huwag mo siyang hahamakin habang siya'y nagsasaya.Hindi iyon ang panahon ng pakikipagtalo,at paniningil ng pautang.