3 Puspusang nagtatrabaho ang mayaman upang magkamal siya ng salapi,sa gayon, pagtigil niya'y maaari na siyang magpasasa sa buhay.
4 Nagpapagal din ang mahirap ngunit wala namang naiipon,at pagtigil niya'y dukha pa rin siya.
5 Ang labis na nagmamahal sa ginto ay mahirap maging banal,ang gahaman sa pagkita ay malamang magkasala.
6 Dahil sa salapi ay marami nang bumagsakat lubusang napahamak.
7 Para sa mga sumasamba sa salapi ito ay isang patibong,at maraming mga hangal ang nahulog doon.
8 Mapalad ang yumaman nang hindi nagkasala,na hindi nagpakahibang sa paghabol sa salapi.
9 Sino siya na dapat nating parangalan?Siya lamang sa kanyang lahi ang nakagawa ng gayong kamangha-manghang bagay.