7 Para sa mga sumasamba sa salapi ito ay isang patibong,at maraming mga hangal ang nahulog doon.
8 Mapalad ang yumaman nang hindi nagkasala,na hindi nagpakahibang sa paghabol sa salapi.
9 Sino siya na dapat nating parangalan?Siya lamang sa kanyang lahi ang nakagawa ng gayong kamangha-manghang bagay.
10 Sino ang nakaranas ng gayong pagsubok at nagtagumpay?May katuwiran siyang ipagmalaki ito.Nagkaroon siya ng pagkakataong magkasala, ngunit hindi siya nagkasala.Maaari siyang gumawa ng masama, ngunit hindi niya ginawa.
11 Dahil dito'y magiging matatag ang kanyang kabuhayanat pupurihin ng buong bayan ang mga ginawa niyang kabutihan.
12 Kapag ikaw ay naanyayahan sa isang maringal na piginghuwag kang magpakita ng pananabik at magsabing, “Mukhang masarap ito!”
13 Tandaan mo na masama ang katakawan,at sa lahat ng nilalang, walang kasintakaw ang mata;kaya naman napakalimit itong naluluha.