1 Kapag ikaw ay nangangabisera sa isang handaan,huwag mong ipagmamayabang iyon;makiisa ka sa kilos ng ibang panauhin.At tingnan mo muna kung maayos na ang lahat bago ka maupo.
2 Kapag natupad mo na ang mga dapat mong gawin ay maupo ka na,at makipagsaya sa lahat ng dumalo.Sa gayon ay tatanggap ka ng papuri dahil sa iyong mahusay na pamamahala.
3 Kung ikaw ay nakakatanda, may karapatan kang magsalita,ngunit huwag kang magpapaliguy-ligoy o aabalahin ang musika.
4 At kung may palatuntunan, huwag kang magsalita tungkol sa palabas,hindi iyon ang pagkakataon upang ipakita ang iyong galing.
5 Parang rubi na nakatampok sa isang gintong singsingang musika sa oras ng piging.
6 Parang batong esmeralda sa isang singsing na ginto,ang masayang tugtugan sa pagtungga ng masarap na alak.