16 Nakapagpapasya nang wasto ang may paggalang sa Panginoon,at ang mabubuti nilang gawa ay nagliliwanag na parang ilaw.
17 Ang makasalana'y di tumatanggap ng pangaral,at binibigyan ng dahilan ang anumang naisin niya.
18 Laging nakikinig sa paalala ang taong matino,wala namang nakakapigil sa lapastangan at palalo.
19 Huwag kang gagawa ng anuman na di muna pinag-isipang mabuti,at nang hindi mo pagsisihan sa bandang huli.
20 Huwag kang lalakad sa mapanganib na daan,at ingatan mong huwag matalisod sa mabatong landas.
21 Huwag kang masyadong magtitiwala sa daang maaliwalas,
22 sa halip, tingnan mong mabuti ang iyong binabagtas.