19 Huwag kang gagawa ng anuman na di muna pinag-isipang mabuti,at nang hindi mo pagsisihan sa bandang huli.
20 Huwag kang lalakad sa mapanganib na daan,at ingatan mong huwag matalisod sa mabatong landas.
21 Huwag kang masyadong magtitiwala sa daang maaliwalas,
22 sa halip, tingnan mong mabuti ang iyong binabagtas.
23 Anuman ang ginagawa mo'y lagi kang mag-iingat,iyon ang tunay na pagsunod sa mga kautusan.
24 Ang naniniwala sa Kautusan ay sumusunod sa mga ipinag-uutos nito;ang nagtitiwala sa Panginoon ay hindi mapapasama.