5 Parang rubi na nakatampok sa isang gintong singsingang musika sa oras ng piging.
6 Parang batong esmeralda sa isang singsing na ginto,ang masayang tugtugan sa pagtungga ng masarap na alak.
7 Maaari ding magsalita ang kabataan kung kinakailangan,ngunit dalawang beses lamang at kung siya'y tinatanong.
8 Sabihin ang ibig ipahayag sa maikling pangungusap lamang;ipakita mong ikaw ay maraming nalalaman ngunit hindi masalita.
9 Huwag kang pangahas kung ang mga kasama mo'y nakakataas sa iyo,at huwag kang maingay kapag may ibang nagsasalita.
10 Katulad ng kidlat na nauuna sa kulog,ang kagandahang-asal ng isang tao ay nababalita na bago pa siya makilala.
11 Sa oras nang uwian, mamaalam ka na agad,at huwag ka nang magtatagal pa sa iyong pag-alis.Tumuloy ka na agad sa iyong tahanan.