1 Hindi mapapahamak kailanman ang may takot sa Panginoon;sa lahat ng pagsubok siya'y laging maliligtas.
2 Ang taong marunong ay di napopoot sa Kautusan,ngunit ang tumutupad nito nang paimbabaw ay parang bangkang hinampas ng bagyo.
3 Ang matalinong tao ay nananalig sa Kautusan;ang tiwala niya dito'y tulad sa tinig ng Panginoon.
4 Ihanda mo ang iyong sasabihin kung nais mong ikaw ay pakinggan,isaayos mo muna ang iyong nalalaman bago ka tumugon.