10 Lahat ng tao ay mula sa alabok;sa alabok hinugis si Adan.
11 Ngunit sa di malirip na karunungan ng Panginoon, wala siyang ginawa na magkatulad;binigyan niya ang bawat isa ng kanyang tanging kalagayan.
12 Mayroon siyang pinagpala at pinadakila,mayroon siyang hinirang at itinalagang maglingkod sa kanya;at mayroon namang sinumpa, pinahiya, at pinalayas sa kanilang kinalalagyan.
13 Ang putik ay hinuhugisan ng magpapalayokayon sa kanyang maibigan.Gayundin naman, ang tao ay binibigyan ng Diyos ng kani-kaniyang kalagayan,ayon sa kanyang minamarapat.
14 Ang katapat ng masama ay ang mabuti,ang katapat ng kamatayan ay ang buhay,at ang katapat ng makasalanan ay ang taong maka-Diyos.
15 Ganyan nagmula sa kamay ng Lumikha ang lahat ng bagay:magkakatambal, ang isang bagay ay kabaligtaran ng ikalawa.
16 Ako ang kahuli-hulihang namitas ng ubas,wari'y namulot lamang ako pagkaraan ng mamimitas.Ngunit sa awa ng Panginoon, marami pa rin akong nakuha,at napuno ko pa rin ang aking mga pisaan, gaya ng mga naunang namitas.